Sunday, February 6, 2011

BALATO

Pag may malakas dun lalapit pag humina na naku panay ang angil! Tindi talaga ng perwisyong bitbit, kapit lang ng kapit hanggang sa humugpit na ang pag asa nya. Asahan mo pa patuloy sa paghingi ng biyaya sa mga inutil na hindi natututo patuloy na alipustahin patuloy sa pagbigay aliw sa mga baliw. Minsan nga tingin sa salamin ng katotohanan, ang daming patunay dun madalas laging patama sa sarili ang mararamdaman. Hindi na ba matatapos si balato sa pagsama sa mga taong di makagawa ng paraan lagi nalang bang andun sya para sa pag asang makagamit ng gamot nya? Ano pat para saan pa ang utak kung hindi rin gagamitin ng isang hunghang, ay onga pala tanga pala kaya ndi makagawa! paulit ulit kumakapit ang bulok na sistemang ito sa mga bobo ewan nga ba kelan ba titigil to. Sigurado pag hindi ito nag bago naku madaming mapeperwisyo, ang wisyo magbago na oy di habang buhay ganyan ang gagawing sandigan may mapapagod din sa pagbibigay.

Sa ilang beses mong tulong walang balik na ugong dun sa demonyong nagpatong. Minsan sa pagtatanto nakakaisip narin ng magandang solusyon sa pagbaluktot sa ganitong sistema, gawin kayang katawa tawa sila ipamukha ang kamalian nila! dapat may sentensya na yan para sa susunod ndi na gagawa nang hindi tama. Pwede? sana! Siguro!? kelan malapit ba? hindi ata? daming tanong gawan na kasi ng paraan para hindi magmukhang gungong! diretso? amen!!


No comments:

Post a Comment