Friday, December 3, 2010

Itim at puti

Banal sa umaga, demonyo sa gabi. Ano pa’t kulang pa ang panghuhuli? Isang katangahan ang pagsalungat sa batas nya, diba banal ka bat tanga ka? Huli sa paguusig sa kapalpakan siguradong hilo sa pagkalunod sa takot. Halimaw ang tawag sa iyo sapagkat dungis mo iyong itanatago. Diretso daw sa puso eh bakit nguso mo ang ipanangsalo mo? Ganda ng tikas pag gabit wala ng bakas. Tumakas na sa pagtatanong para daw hindi sya mabaon. Kapal magsuot ng puti puso naman ay kulay dumi, itim! Haharap sa madla gamit ang maskara ng kasinungalingan titingin magmamasid para hindi makita ang baliktad na suot nya. May singsing sa kamay simbulo ng pagpapatunay sa pagiisa katawa diba sarili mong dasal ndi mo nasunod! Luluhod iiyak tuwing may palpak kapal parehas kayo ng langit mo puro kayo pangako laging napapako.  Payo sa mga nakasuot ng katulad mo ano pa silbi nyo panay kayo kasinungalingan puro kapalpakan libro ng kamalian pilit na pinaparamdam. Iwaksi at itanggi nyo man yan ang kasamaan na pilit kong ipaparamdam. Mga sinungaling, lihim man ay makakarating din idasal mo sa langit ng pagasa mo na saluhin ang sala mo. PARA SA MGA PUTI NA KAY ITIM!

No comments:

Post a Comment