Thursday, December 2, 2010

Sayong mapagpanggap


Paghuhukom yan ang malimit na sabihin ng mga uugod ugod. Impyerno ang dulot sa mga hindi marunong sumunod, at bakit naman san ba nakalagay ni hindi malaman kung saan hinukay. Kailangan bang maniwala sa hindi nakikita? Kung pagparamdam ngay di makita. Ano ba silbi ng siyensya kung yung walang tamang rason un ang paniniwalaan. Langit daw sa mga tagasunod eh pano naman sa mga hindi sumunod? Lason? Bat ba kailangan ng simpatya na walang pagpapakita? Bat ba kailangan ng leksyon na kahit kelan sya lang daw ang makakakita? Kung perpekto sya bat di nya ginawang malinaw sa bawat isa ang salitang pagmamahalan, simpleng bagay di binigyang kulay. Gera sa puso ng magkasalungat, saan? Sa impyerno ni satanas ang kalaban ng mas hudas! Halik sa paa ng kanyang rebulto ano ako bobo? Sayo na yang biyayang pilit mong pinapamukha sa mga tao, utang na loob na kay hirap bayaran. Libro na nakakapagpaloko sa maraming tao pati taga sunod mo ay nauto mo! Hunghang ka sa paningin ng mga naliwanagan sapagkat iyong puso ay may hangganan. Tandaan mo’t hindi kami ang likha mo nirespeto di ibibigay sayo. Sintensyahan man di matitinag sapagkat ang paninindigan ay di masusukat. 

No comments:

Post a Comment