Thursday, December 2, 2010

kaw ba si asaan?

Kaw ba si asaan?
Ano yun sisid sa paghihinagpis? Wow ahh sarap ng sitwasyon mo brad ako si pasan ikaw si “asaan”. Patawa diba kung sisipatin mo nakuha mo pang magyosi sa loob ng delubyo! Ideretso mo kayang daan mo nang makuha mo? Hindi ako nanunumbat, kaurat lang talaga brad usapan kasi sabay tatalon un pala ako lang ang tumalon. Umahon ka kasama ako, umahon ako asan ka? duon ka sa kalalimlaliman ng kasarapan at ikasyam na langit. wag kang tatakbo sa problema, ha? Ako ba kausap mo? Ibato ko kaya sayo yang sinabi mo? Kung sang demonyo mo ba kasi nakuha yang sentimyento na iyan katawatawa nakakuha ka ng maraming tagapalakpak dyan sa salita mo, sayo na yang entablado Masaya ka diba pakita mo! Pasalamat ka’t  kinaya ko pang pasanin at dinadala ko pa ang krus nang kalbaryo pero brad ngayon palit tayo ng sitwasyon sayo na ung lason para masubukan mo ung mabaon . Di ka na siguro magkwestyon pa’t mag sisinungaling sa sarili mo ako ba ang sinasabihin ng gago na to? O baka bulag pa iyong isipan ano ba kasi ang iyong kailangan manggagamot para alisin yang kahunghangan? Ahoy kapatid eto isalpak sa makitid na isip kahit kelan walang makakaayos nyan kung hindi yang sarili mong pilit mong pinapaliit. Ano bang bersyon at bersikulo nakalagay ang reklamo mong dala dala nandun ba sa papel na merong kalaliman pero maganda naman ang salita o dun sa papel na puro patapon at dumi ang makikita subukan mong hanapin nang mawala ang iyong angil. Kuhain mo ung istorya ng buhay mo subukan mong baguhin panigorado makakakita ka rin ng liwanag kahit sa dilim.. ikaw na nakatuklas ikaw ba si asaan? O si tangang pumasan? Sayo na nakakaunawa sa sarili wag kang pasan ng pasan kasi sa  huli ikay maiiwanan. RESPETO LANG SA PANINIWALA KONG PATULOY KONG DADALHIN DI PORKET NAGKIBIT BALIKAT WALA NG ANGIL!!

No comments:

Post a Comment