Saturday, February 12, 2011

SI PERPEKTO AKA WALANG MALI

Tibay talaga ang lakas mang alipusta pero dumi nya hindi makita. Bago magsalita bago magkomento pakitignan muna ang mukha di lang ako ang may mali pati ikaw mukha mo rin may mali. Tibay pati paniniwala mo sablay diyos mo na nagsabi walang perpektong tao eh bat ang tingin mo sa sarili mo kumpleto perpekto. Tangalin ang kahibangan sa sarili dumi mo muna alisin bago ang iba at bago pumasok sa argumento tignan muna kung walang maapi. Daming mali na kailangan punahin ung pang walang kwenta ang uunahin. Perwisyo talaga ang bisyo pag sa mga taong wala sa tamang wisyo. Tibay uulit ulitin ko ang tibay, ang tibay ng kapit mo sa sarili mo ang taas ng lipad di na sya maabot. Wag maging hipokrito pakita ang ugali di pag nakatalikod dun lang aatake. Sabihin ng harapan di puro hangin lang ang laman pag kinompronta ayon tameme ang batang ere. Naku naku magbago sana yang bulok na sistema na yan kung hindi ilang pagkakataon pa meron ako para tanggalan ka ng ulirat. Hintayin ang balik patama hintayin papasok sa isip pakiayusayusin di lang basta tahimik walang gagawin pag napuno din pagkatandaan dun makakatikim ng hagupit di lang ikaw ang sablay pati ako oo meron din pero hindi katulad ng kagaguhan mo mas masahol ka pa sa aso. Ang hipokrito kahit kelan walang tamang gagawin kung hindi linlangin ang sarili nya. Ang perpekto di na marunong tumingin sa ilalim pero pagdating sa akin yang perpekto na yan ay ikikitilin pag kahintay lang parating narin PAG LUMIWANAG DUN DIDILIM!! PARA SA MGA NAG MAMAGALING!!!

Sunday, February 6, 2011

BALATO

Pag may malakas dun lalapit pag humina na naku panay ang angil! Tindi talaga ng perwisyong bitbit, kapit lang ng kapit hanggang sa humugpit na ang pag asa nya. Asahan mo pa patuloy sa paghingi ng biyaya sa mga inutil na hindi natututo patuloy na alipustahin patuloy sa pagbigay aliw sa mga baliw. Minsan nga tingin sa salamin ng katotohanan, ang daming patunay dun madalas laging patama sa sarili ang mararamdaman. Hindi na ba matatapos si balato sa pagsama sa mga taong di makagawa ng paraan lagi nalang bang andun sya para sa pag asang makagamit ng gamot nya? Ano pat para saan pa ang utak kung hindi rin gagamitin ng isang hunghang, ay onga pala tanga pala kaya ndi makagawa! paulit ulit kumakapit ang bulok na sistemang ito sa mga bobo ewan nga ba kelan ba titigil to. Sigurado pag hindi ito nag bago naku madaming mapeperwisyo, ang wisyo magbago na oy di habang buhay ganyan ang gagawing sandigan may mapapagod din sa pagbibigay.

Sa ilang beses mong tulong walang balik na ugong dun sa demonyong nagpatong. Minsan sa pagtatanto nakakaisip narin ng magandang solusyon sa pagbaluktot sa ganitong sistema, gawin kayang katawa tawa sila ipamukha ang kamalian nila! dapat may sentensya na yan para sa susunod ndi na gagawa nang hindi tama. Pwede? sana! Siguro!? kelan malapit ba? hindi ata? daming tanong gawan na kasi ng paraan para hindi magmukhang gungong! diretso? amen!!


Friday, December 3, 2010

Singilan

Ilang ulit nagsumamo humingi ng saklolo ngunit walang umareglo patunay ba na ang tenga'y nakasarado? Sakit panay nakaukit sa mga mukha ng biktima at inalila ang paghihirap na nadama sa kamay ng mga walang awa. Hayop ba ang may sala? hindi isang taong mas masahol pa sa hayop! Panagutin yan ang balak ng marami bakit panay salita ang nakikita ng marami. hustisya asan na ba nandun ba sa may kaya? Palakasan yan ba ang labanan diyos ko diyos mo walang respetuhan. Simpleng bangayan nauwi sa kawalan ng kapayapaan ngayon ang panay kadiliman ang makikita. Sino ba ang pwede magdikta ng ganung kawalangyaan isang asal hayop lang ang aking nakikita.

Isang taon na nakaraan hustisyay di makamtam natural sino bang animal ang lalaban sa hayop na may sangay. Sakim sa kapangyarihan at kayamanan sarap maghangad kayat buhay kanyang pinahamak. Dibat ikay sikat bat di mo na lang pinalagpas eh sa sakim nga ano pa ang magagawa! Sa inyong mga tahimik at naghahangad ng kapayapaan darating ang araw ng pagdiriwang makakamtam din ang ating asam, I will never ever forget the maguindanao massacre, 57 people that died there. This is my way of paying respect. Sa taong pilit nagsisinungaling pero ang sungay ay halata parin hintayin mo ang pagpalit ng baraha tignan natin kung kaninong alas ang may gana! Kahit SATANISTA man ay pinapahalagaan ang buhay ng tao dahil ito ay sagrado at dahil nasa batas nila ito!

Itim at puti

Banal sa umaga, demonyo sa gabi. Ano pa’t kulang pa ang panghuhuli? Isang katangahan ang pagsalungat sa batas nya, diba banal ka bat tanga ka? Huli sa paguusig sa kapalpakan siguradong hilo sa pagkalunod sa takot. Halimaw ang tawag sa iyo sapagkat dungis mo iyong itanatago. Diretso daw sa puso eh bakit nguso mo ang ipanangsalo mo? Ganda ng tikas pag gabit wala ng bakas. Tumakas na sa pagtatanong para daw hindi sya mabaon. Kapal magsuot ng puti puso naman ay kulay dumi, itim! Haharap sa madla gamit ang maskara ng kasinungalingan titingin magmamasid para hindi makita ang baliktad na suot nya. May singsing sa kamay simbulo ng pagpapatunay sa pagiisa katawa diba sarili mong dasal ndi mo nasunod! Luluhod iiyak tuwing may palpak kapal parehas kayo ng langit mo puro kayo pangako laging napapako.  Payo sa mga nakasuot ng katulad mo ano pa silbi nyo panay kayo kasinungalingan puro kapalpakan libro ng kamalian pilit na pinaparamdam. Iwaksi at itanggi nyo man yan ang kasamaan na pilit kong ipaparamdam. Mga sinungaling, lihim man ay makakarating din idasal mo sa langit ng pagasa mo na saluhin ang sala mo. PARA SA MGA PUTI NA KAY ITIM!

Thursday, December 2, 2010

kaw ba si asaan?

Kaw ba si asaan?
Ano yun sisid sa paghihinagpis? Wow ahh sarap ng sitwasyon mo brad ako si pasan ikaw si “asaan”. Patawa diba kung sisipatin mo nakuha mo pang magyosi sa loob ng delubyo! Ideretso mo kayang daan mo nang makuha mo? Hindi ako nanunumbat, kaurat lang talaga brad usapan kasi sabay tatalon un pala ako lang ang tumalon. Umahon ka kasama ako, umahon ako asan ka? duon ka sa kalalimlaliman ng kasarapan at ikasyam na langit. wag kang tatakbo sa problema, ha? Ako ba kausap mo? Ibato ko kaya sayo yang sinabi mo? Kung sang demonyo mo ba kasi nakuha yang sentimyento na iyan katawatawa nakakuha ka ng maraming tagapalakpak dyan sa salita mo, sayo na yang entablado Masaya ka diba pakita mo! Pasalamat ka’t  kinaya ko pang pasanin at dinadala ko pa ang krus nang kalbaryo pero brad ngayon palit tayo ng sitwasyon sayo na ung lason para masubukan mo ung mabaon . Di ka na siguro magkwestyon pa’t mag sisinungaling sa sarili mo ako ba ang sinasabihin ng gago na to? O baka bulag pa iyong isipan ano ba kasi ang iyong kailangan manggagamot para alisin yang kahunghangan? Ahoy kapatid eto isalpak sa makitid na isip kahit kelan walang makakaayos nyan kung hindi yang sarili mong pilit mong pinapaliit. Ano bang bersyon at bersikulo nakalagay ang reklamo mong dala dala nandun ba sa papel na merong kalaliman pero maganda naman ang salita o dun sa papel na puro patapon at dumi ang makikita subukan mong hanapin nang mawala ang iyong angil. Kuhain mo ung istorya ng buhay mo subukan mong baguhin panigorado makakakita ka rin ng liwanag kahit sa dilim.. ikaw na nakatuklas ikaw ba si asaan? O si tangang pumasan? Sayo na nakakaunawa sa sarili wag kang pasan ng pasan kasi sa  huli ikay maiiwanan. RESPETO LANG SA PANINIWALA KONG PATULOY KONG DADALHIN DI PORKET NAGKIBIT BALIKAT WALA NG ANGIL!!

Sayong mapagpanggap


Paghuhukom yan ang malimit na sabihin ng mga uugod ugod. Impyerno ang dulot sa mga hindi marunong sumunod, at bakit naman san ba nakalagay ni hindi malaman kung saan hinukay. Kailangan bang maniwala sa hindi nakikita? Kung pagparamdam ngay di makita. Ano ba silbi ng siyensya kung yung walang tamang rason un ang paniniwalaan. Langit daw sa mga tagasunod eh pano naman sa mga hindi sumunod? Lason? Bat ba kailangan ng simpatya na walang pagpapakita? Bat ba kailangan ng leksyon na kahit kelan sya lang daw ang makakakita? Kung perpekto sya bat di nya ginawang malinaw sa bawat isa ang salitang pagmamahalan, simpleng bagay di binigyang kulay. Gera sa puso ng magkasalungat, saan? Sa impyerno ni satanas ang kalaban ng mas hudas! Halik sa paa ng kanyang rebulto ano ako bobo? Sayo na yang biyayang pilit mong pinapamukha sa mga tao, utang na loob na kay hirap bayaran. Libro na nakakapagpaloko sa maraming tao pati taga sunod mo ay nauto mo! Hunghang ka sa paningin ng mga naliwanagan sapagkat iyong puso ay may hangganan. Tandaan mo’t hindi kami ang likha mo nirespeto di ibibigay sayo. Sintensyahan man di matitinag sapagkat ang paninindigan ay di masusukat.